Thursday, September 5, 2019

Gusto

May gusto akong sabihin,
isang bagay na hindi ko maamin.
Tila yata may kakaiba sa ihip ng hangin.
May kaba akong nadarama,
pintig ng puso ko'y may ibang kinakanta.

Bakit ganito?

Tila humihinto ang paligid ko.
Parang eksena sa pelikula kapag nagkatinginan na.
Paano ba ito?
Nahuhulog na ata ako.

Gusto kong tumakbo at kalimutan ang nararamdamang ito.
Gusto kong umiwas ng hindi tuluyang mahulog.
Gusto kong magpakalayo layo.
Gusto kong magtago at tuluyan ng sumuko.

Dahil sa dulo, alam kong masasaktan lang ako.
Dahil hanggang tingin lang kita sa malayo.
Isang tagahanga na may lihim na pagtingin.
At alam kong hindi mo ako mapapansin.

Gusto kita..
Gusto kita ngunit wag nalang muna..
Cguro, sa susunod na pagkakataon nalang
pag kaya ko ng maging matapang.

09.05.19

No comments:

Post a Comment