Tuesday, March 16, 2021

Hindi Pinili

Ano kaya ung pakiramdam ng pinipili?

Ilang ulit ako humarap sa salamin
at tinanong ang sarili ko
kung ano ang mali?
Anong panget?
Ano pa ang kulang?

Bakit ba hindi ako nagiging sapat para magustuhan?
Bakit laging may tanong?
Bakit laging may pag aalinlangan?

Kahit anong gawin ko,
hindi ako ang nakikita.
Laging may mas higit.
Laging may mas nakakalamang.

Ano bang pagkakaiba ko sa tanan?

Ako ung nandito pero iba ang hinahanap.
Ako ung nasa harapan pero hindi nakikita.
Kelan ba ako magiging sapat
para sa pamantayan ng mundo?

Pwede bang ako naman?
Ako naman sana ung makita.
Sana ako naman ung kailanganin.
Sana ako naman ung pahalagahan.
Sana ako naman ang piliin.

Kasi kahit anong pilit ko,
pag hindi ka talaga gusto,
hindi ka gusto.
Tapos ang kwento.