Thursday, March 2, 2017

Para sa Kaibigang Iniwan ng Walang Dahilan

Hindi ko alam kung paano
at hindi ko din alam kung bakit?
Bakit ka ba dumadalaw sa
panaginip ko ng paulit ulit?

Ano bang nangyari?
Hindi na ikaw ung dati...
Ung dating kaibigan ko..
Ung dating andyan para pakinggan ako.

Masakit para sa akin na mawala nalang ang lahat ng ganoon kadali.
Masakit para sa akin na makalimutan mo nalang ang lahat sa isang saglit.

Oo.. marahil ay minahal kita ng higit pa kesa sa isang kaibigan,
Pero tinanggap ko na hanggang doon nalang un at ako'y nanatiling andiyan.

Kasama mo sa lahat ng kalokohan.
Kadamay sa lahat ng kalungkutan,
Kasangga sa lahat ng laban,
Tinulungan sa lahat ng babaeng iyong niligawan,
Nanatiling iyong kaibigan kahit nasasaktan.

Alam kong, walang tayo.
Sinubukan kong kalimutan ang aking nararamdaman,
para  isalba ang ating pagkakaibigan.
Pero anong nangyari?
Bakit sa dulo'y mawawala ka din.

"Bestfriend", yan ang sabi mo sa akin.
Pero bakit tayo ngayon ganito?
Ako'y isang ordinaryong tao nalang na hindi na saklaw ng mundo mo.
Anong nagawa kong masama?
Anong nangyari't naglaho nalang bigla?
Hindi ako nakalimot bumati sa lahat ng okasyon,
Pero seensoned lang ang lahat  ng iyon.
Ni walang "hi" or "hello" or "kumusta" man lamang.
Anong nangyari sa "Bes" na ating noo'y tawagan?

May pagtatampo ako sa aking puso.
Nasasaktan na ganoon mo nalang ako kadaling nakalimutan,
mula sa lahat ng ating napagdaanan.

Paulit ulit kita napapanaginipan ng walang dahilan.
Pilit ata inaalala ng utak ko ang nakaraan,
Hinahanap hanap ang noo'y aking kaibigan.
Ung makakausap ko't mapagkwekwentuhan,
at dadamay  sa malungkot kong dinaramdam.

Ngayon'y ay bumubuo ka na ng sarili mong pamilya.
Gusto ko maging masaya para sa'yo.
kahit ako'y patuloy na nagtatampo.
Sana, isang araw, masagot ang lahat ng mga tanong ko
at bumalik ang dating KAIBIGAN na nakilala ko.





No comments:

Post a Comment