Tuesday, February 11, 2020

Paano Kung Tayo

I am alone in the office, and Ben&Ben songs played in my background. There was a pen and paper in front of me, and I began to write while waiting for the report running in my computer. It was very random. Very raw emotions filling me in. Maybe this is something my heart wants me to write for a while now.

So, here's my quick poem while listening to Ben&Ben.

PAANO KUNG TAYO

Minsan naisip ko
Paano kung tayo?
Paano kung tulad tayo ng mga
magkasintahan na nakikita ko?
Nagtatawanan.. Sweetsweetan..
Magkadikit.. Nagkwekwentuhan..
Hindi mapaghiwalay.. Naghaharutan..
May ngiti sa bibig,
May kinang sa mga mata,
Hindi maipaliwanag na saya.
Pero, napahinto ako..
Para atang imposible kung titignan ko.
Isang pangarap na parang malabo,
Napakataas, hindi ko maabot,
Napakailap, hindi ko mahawakan,
Napakabilis, hindi ko mahabol.

Paano magiging tayo?
Lalapitan mo kaya ako para
tanungin ang pangalan ko?
Mapapatingin ka ba pag dumaan
ako sa harap mo?
Parang imposible talaga.
Ngunit sa isip isip ko, sana magkatotoo..
Sana, kaya mapansin ng tulad mo,
ang isang tulad ko.

Pero paano magiging tayo?
Sa dami ng tao sa paligid mo,
hindi mo mapapansin ang pagtingin ko.
Kaya, ang dasal ko, sana isang araw,
tumingin ka naman sa direksyon na ito.

At kung sakaling maging tayo..
Pangako, hindi ka na mag iisa.
Hindi ka na mag iisa doon sa upuang
lagi mong tinatambayan sa opisina.
Hindi ka na mag iisang kumain pa.
Tatawa ka na ulit gaya ng dati.
Aalagaan kita at sasamahan lagi.
At pag naging tayo, wala ng paano,
masasagot na ang lahat ng tanong ng puso mo.

xoxo
Jayz

No comments:

Post a Comment