Isang salitang akala ko'y hindi ko maririnig mula sa'yo
Kaya ako ay hindi makapaniwala nang marinig ko ito.
Para mo akong sinaksak ng paulit ulit,
Binaril at ginulpi hanggang sa mangawit
Akala ko'y hanggang dulo na ang ating kwento
Ngunit ano ba ang nagawa ko't humantong tayo sa ganito?
Paalam.. mga katagang iyong binitiwan,
at siya na rin pumutol sa ating ugnayan.
Salitang pumutol sa kung anong meron tayo
Wala ng ikaw at ako.
Paano na tayo? Paano na ang ating kwento?
Ikaw ay umalis at nilisan ako..
Sabi mo, bubuo ka ng sarili mong mundo.
Mundong hindi na ako ang sentro
at mundong wala na sa piling ko.
Sabi mo, kailangan mo hanapin ang sarili mo
Hanapin ito na wala na ako sa litrato.
Sabi mo, kailangan mo ng oras..
Oras na mag isa at hindi na ako kasama.
Anong maling aking nagawa
at paalam ay kailangan mong sabihin?
Anong nawala na kailangan mong hanapin?
Ganon nalang ba kadali talikuran
ang ilang taong aking pinagsamahan?
Alam mong hindi ako perpekto,
ngunit ginawa ko ang lahat para sa'yo.
Pero bakit sa huli, kulang pa din pala.
Sumuko ka nalang at hindi kinaya.
Paalam.. ang sakit pakinggan.
Ang hirap padin tanggapin..
na bigla nalang nawala ang pag-ibig mo para sa akin.
Hahanap hanapin ko ang tunog ng iyong tawa,
ang simangot pag galit ka na,
ang maamo mong mukha sa umaga
ang mga kamay mo pag tayo'y naglalakad na,
at ang init ng yakap mo sa tuwina.
Paalam..
Paalam na yata talaga.
Sa taong minahal ko ng sobra.
Hindi ko batid na ganon ang naramdaman mo
at sa paalam nauwi ang ating kwento.
************
02.03.17
jjlb
The story behind this poem..
I really miss writing, as to date this is my first this year.
Well, few weeks ago, someone sent me a poem to read and encourage me to write again. After a day or two, I had a conversation with another friend about writing, and even shared with me something he wrote. Then, we both agreed to write again, and the topic I thought was about goodbyes.
Well, few weeks ago, someone sent me a poem to read and encourage me to write again. After a day or two, I had a conversation with another friend about writing, and even shared with me something he wrote. Then, we both agreed to write again, and the topic I thought was about goodbyes.
My "hugot" was to be on a point view of a man. Though I may not know much of how they feel or how they react towards a situation, I hope, I was able to impart the message of the poem. Sometimes, love gets lost. And if that happens, what will you do, if the person you love would eventually go and find that lost love? A love he / she didn't NOW found in you.
I don't want goodbyes..
No comments:
Post a Comment