Exactly 5 years ago (Dec. 7, 2010) I wrote this poem. And now, I am posting it here in my blog. Wala lang. I just want to share this -- that 5 years ago, these were my thoughts. Few days after I had said Yes to my first and still boyfriend at the moment. :)
I know, I've always been expressive through writing, that I was able to write this randomly. And I rarely write poems in tagalog. Ewan ko bakit. Kasi, minsan mahirap mag-rhyme. Hahaha. But this one is in tagalog, and it seems I was able to make justice to it (kahit konti). So.. here is it..
Sino?
Bumihag sa puso ko, isang estranghero.
Pangalan niya noong una ay "ewan" ko,
pinagtagpo nalang bigla
na parang isang panaginip na nagkatotoo.
Sino ba siya?
Ginulo ang mundo ko.
Kinukulit ang bawat araw
ng tanong, kung pwede ba tayo?
Madalas, tinatanong ko ang sarili
totoo ba ang kanyang sinasabi,
o lahat ng yon ay kalokohan lang,
naghahanap ng pusong mapagtritripan.
Ngunit lumipas ang mga araw
at siya ay nanatiling nandiyan.
Unti unti ay aking nakilala
at ako'y pinapasaya.
Isang pakiramdam ang gumising sa akin
bumulong ang puso na OO ay sabihin
at subukan kung saan kami dadalhin
ng pag-ibig na nagbuklod sa amin.
Ngayon ay TAYO na,
ikaw at ako, at ang pag-ibig na ito.
Aking dasal sa Maykapal sana'y dinggin
na puso namin ay maging masaya at pagpalain.
12.07.10
No comments:
Post a Comment