Sunday, July 17, 2022

See you Dotie! Fly High for your dreams

Even though we change and we're finding our own place in the world, we all know that when the tears fall or the smile spread our face, we'll come to each other because no matter where this crazy world takes us, nothing will ever change in the friendship and sisterhood that we have. Gonna miss you big time! Fly high for your dreams! We will cheering for you all the way. 💖😭

To be honest, more than being sad, I am afraid when best friends go in a different place or country. As much as I want them to be happy to reach for their dreams, there is a part of me that is afraid to lose them. Thinking that things may change, and eventually, lose the friend that I used to know. I am afraid how success and money can change someone instantly. 

But I will hold to the fact that I have shared more than half of my life with them. We have grew and shared so much together. There is nothing that will break our bond. That though we are moving apart, our friendship is deeply rooted in my heart. 

And when they have slowly reached for that success and happiness. We will be waiting for them back home, and will be the first to welcome them with open arms.




Saturday, March 26, 2022

#HappyWorldPoetryDay

Sabi nila, may mga bagay na gustong sabihin ang puso na hindi masabi ng bibig.
Madaming naiisip ang utak na kulang ang salita para ipahayag.
Kaya't kumuha ako ng lapis at nagsulat.
Hinahanap ang mga tamang salita
para maipadama ang laman ng puso't isip ko.
Kinakausap ang papel,
at ang mundong makababasa nito.
Nagbabakasakali, na sa pamamagitan nito.. ako'y MARINIG.
Na sa iyong pagbabasa, ako'y LUMAYA.
Na sa sandaling oras, ako'y yakapin pabalik.
Sana, maramdaman kong hindi ako nag iisa,
may NAKIKINIG.


#HappyWorldPoetryDay
21 March 2022

Saturday, March 12, 2022

Hindi Mo Kasalanan Kung Napagod Ka


Huwag mo sisihin ang sarili mo
Alam kong pinilit mong maging malakas
pero may mga pagkakataon talagang
pagbitaw nalang ang solusyon
upang makatakas.
Makatakas at tuluyang makawala
Tumakbo hanggang sa di na mahabol pa
Nagbabakasali na sa dulo 
ay may makikitang saya.

Hindi mo sinasadyang makasakit,
Sa likod ng lahat,
hindi nila alam ang iyong paghikbi.
Madaming tanong sa iyong isip.
Bigat na iyong pasan
ay walang ibang may alam.

Hindi mo kasalanan kung napagod ka.
Hindi palusot na tao ka lang at nagkakamali
Hindi ka perpekto.
Bilog ang mundo,
at iba iba tayo.
Minsan, kailangan natin na hayaan ito.
Kailangan natin madapa.
Kailangan natin masaktan.
Pero tandaan mo,
hindi mo kontrol ang mundo.
Hayaan mo itong umikot
Hayaan mong ikaw ay matuto.
Dahil sa pagkakadapa mo,
alam kong tatayo kang mas malakas
at handang harapin ang mundong nag hihintay sayo.

xoxo
jayz